Identification Card
- May 15, 2017
- 2 min read
This happened last February 13, 2017. Monday. Nagmamadali akong pumasok kasi ang dami ko pang aasikasuhin. Golangco to Bacolor ang ruta ko n'on, e ako namang si Ate mong malandi, may nahagilap na papahottieyummy, Mechanical Engineering! Asa may gitna siya ng jeep tapos ako naman malapit sa gilid. Mga besh, gwapo si Koya, hindi gan'on kaputi pero tama lang. Yung jawline at mata niya homaygad makalaglag napkin! Atyaka sikat 'to e. Edi ayun nga, malapit na sa babaan sa Bacolor. Ako namang si ate mong malandi, nag isip ng paraan para maka score sa jackpot!
Nung bababa na ako... nilaglag ko ID ko. Tinawagan ko na lahat ng Diyos at santo n'on kasi sana pinulot niya since mas una na akong bababa. Pero, shet na malagket! Malapit na ako sa tricycle pero nganga. Walang tumatawag saakin. Wala akong narinig na, ""Miss! Sayo ba ID 'to?""
Hanggang sumuko na ako, bago pa ako makasakay sa tricycle, pasimple akong tumalikod kunwaring naghahanap ng ID. Kamot ulo. Kunot noo. Pero shet, wala! Hindi ko makita. Baka nasipa na ng mga rumaragasang students of dabchu! Mangiyak ngiyak na ako tapos biglang may kumalabit saakin paglingon ko may magandang nilalang hayup shet biglang laglag t-square ko kasi potah ang #$%^*@&
""Uy, sayo ba 'to?""
OO SHET MISSION ACCOMPLISHED DAHIL SI PAPAHOTTIEYUMMY YUNG MAY HAWAK NG ID KO MGA BESHIE!!!!!!!! UMAKYAT YUNG NANGINGILID KONG LUHA SA MGA MATA KO BIGLA AT NGITING BULLDOG AKO!!!!
""Ah, oo. S-sakin yan. Salamat."" ""Ingatan mo sa susunod, baka hindi na bumalik sayo, Babe.""
Pero siyempre joke lang yung Babe. Tinawag niya ako sa pangalan ko n'on. Pota, first time akong nagandahan sa pangalan ko n'on!! Sobra akong kinikilig n'on kasi kauwi ko inadd niya ako sa Facebook. At ngayon, mga besh, ikakasal na kami with disi otsong junakis! Charot! Nililigawan niya na cii aqouh.
P.S. Kaya sa mga babaeng breezy diyan pero shy, try niyo yung ""laglag-id"" There's no harm in trying! Hi sa b3b3 qoh!!! Alam ko mababasa mo 'to. Wag mo 'ko i mention hay0p ka."
Ate mong Breezy College of Engineering and Architecture
Commentaires