top of page

Open letter to my BOYFRIEND turned CELEBRITY, and suddenly turned EX BOYFRIEND

  • Writer: Angelo Aguilar
    Angelo Aguilar
  • Apr 27, 2017
  • 4 min read

"I won't mention your name kasi alam kong magkakaissue lang. Alam kong sa oras na nagbanggit ako dito ng kung ano tungkol sayo at may ""fan"" mo na nakabasa, maapektuhan ang ""career"" mo, so don't fret. (Hindi mo rin naman siguro ito mababasa so what the heck)

Let me start by saying that I miss you. SOBRA. Kahit kinalimutan mo na ako noong nagkaroon ka ng ""ka-loveteam"". Ang dami kasing nagshiship sa inyo no? Ang dami niyong fans, gusto nilang KAYONG DALAWA ang magkatuluyan. They want the two of you to marry each other in the future. Kesyo malakas daw chemistry niyo, maganda siya, gwapo ka, BAGAY NA BAGAY. At kapag may sumira sa inyo, ay siya ang magiging kontrabida. Kaya nga nakipagbreak ka sa akin hindi ba?

Pero kahit ganoon, magsisinungaling ako sa sarili ko kapag sasabihin kong ayaw na kitang makita. Nakikita na lang kita ngayon sa TV. Palagi kang nakangiti, sobrang saya mo samantalang ako nanlulumo na simula noong iniwan mo ako. Sunod-sunod ang mga projects mo. I'm happy for you though. Noon pa naman hindi ba? Noong wala ka diyan sa showbiz, ako yung kasama mo. I supported you, pangarap mo iyan e. I love you and I supported you. I was your #1 fan. WAS.

Masaya naman tayo noong nagsisimula ka pa e. Minsan mo akong sinama sa isang shoot mo. Pumunta ako kasi nga sinusuportahan kita. Kahit pa noong lumipat ang pamilya ko sa Pampanga at doon ako nagcollege samantalang ikaw ay sa isang unibersidad diyan sa ******, kung saan ang pamilya ko dati, maayos pa rin naman tayo noon. Nakayanan nga natin ang five months ng LDR diba? Natatakot nga ako noon kasi baka makahanap ka ng ibang babae diyan sa university niyo. Nang nalaman mong natatakot ako, sinurprise mo ako sa bahay namin. Nagulat na lang ako, sabi ni mama bumisita ka. Doon pa lang, sigurado na akong mahal mo ako at hindi mo ako iiwanan. It's because you gave the assurance. Wala kang matitirhan sa pampanga pero bumiyahe ka para lang makita at makasama ako. Mama is nice enough to let you sleep on our sofa. I was touched, akala ko talaga ikaw na. But then I was wrong.

Something happened, at lalo kang sumikat. But I trust you too much that I refuse to acknowledge that it will affect our relationship. Kumplikado na tayo. Ni hindi ko alam kung tayo pa ba o hindi. Minsan na lang tayo magcommunicate. Kapag nagtetext ka sa akin, hindi mo alam yung kasiyahan na nararamdaman ko. Nagrereply ako kaagad, magsosorry ka dahil masyado kang busy at ako naman? I will forgive you of course. Mahal kita e. That was our cycle. You will ask for forgiveness and I will forgive you. Pero kapag ako naman ang nagtetext, hindi ka na nagrereply. Swerte na ako kapag nagreply ka within that day. Nagrereply ka lang kasi sa susunod na araw o di kaya ay hindi na. Pero ayos pa rin iyon, kasi tumatawag ka naman para makabawi. Iyon nga lang, kapag ako ang tatawag, walang sagot, tapos tatawag ulit ako, nakapatay na phone mo. Kapag sumasagot ka naman, nagagalit ka. Sabi mo busy ka at kulang na lang sabihan mo akong huwag kang abalahin. Madalas mo na akong awayin.

Nakakapagod. Pero dahil nga mahal kita, nagtiis ako. Baka sinusubukan Niya lang tayo, sabi nga ng mama mo.

Hanggang sa ayun na nga. You got linked with different teen actresses. It was inevitable. Alam mo at alam ko na darating iyon. But, again, I trust you. You said you love me and I believe in you.

Hindi na ako nagtetext kasi busy ka. I tried to understand your situation. Kung hindi ka lang nagtetext o nagkocall, hindi na tayo nag-uusap. Yung pinakamatagal na hindi tayo nag-uusap, mahigit isang buwan rin. Akala nga ng mga kaibigan natin, break na tayo.

Akalain mo nga naman, nag-dilang anghel sila? Pagkatapos ng mahigit isang buwan na hindi ka nagpaparamdam sa akin, tumawag ka. Tumawag ka. Tumawag ka para ano? PARA MAKIPAGBREAK GAGO! Asshole! Sinayang mo yung taon! Pangarap mo iyan kaya sinuportahan kita! Sinuportahan kita kahit alam kong may posibilidad nga na maghiwalay tayo kapag nagkatotoo ang pangarap mo. Hindi ko lang maintindihan e. Pangarap mo iyan pero di ko akalain na mas mahal mo pangarap mo kaysa sa akin! Hindi ka nahiya sa nanay mong personal pang lumapit sa akin para humingi ng paumanhin dahil sa kagaguhan mo!

Ilang linggo rin ako umiyak dahil sayo. At hanggang ngayon, alam mo ba? MAHAL PA RIN KITA GAGO KA.

Ang dami mong nahanap kapalit ko samantalang ako hindi ka mapalitan. I refuse to use other boys to forget you. Hindi naman ako katulad mo na ang bilis makahanap ng pampalit. Oo nga't wala kang girlfriend ngayon (wala pang confirmation) pero tangina doon naman kayo mapupunta ni ano e!

But no. I am tired of being bitter. Hindi ako anti mo. Don't flatter yourself because I am not your fan as well. Hindi ko tinatago yung past natin sa mga kaklase ko pero hindi ko rin naman ito pinagmamalaki. That is not something to proud of, actually. Ikinahiya ko ngang naging boyfriend ko ang tulad mo. Kung alam lang ng mga ""supporters"" mo na ganyan ka, ay ewan ko lang!

Don't worry though, hindi ko naman ipagkakalat iyon. Hindi ko ipagkakalat na sinaktan mo ako. Then again, maniniwala ba sila? Hindi ako tanga. Sabihin mo lang sa kanila na hindi mo ako kilala at isa lang akong fan na baliw na baliw sayo kaya ako gumagawa ng kwento, maniniwala kaagad sila sayo!

Kagaya ng gusto mo, kakalimutan na lang kita. Pero sorry ah? Sorry kasi hindi ko kaya. Ang hirap e. First boyfriend, first breakup!

Sana na lang huwag kang magsisi sa desisyon mo. Sana masaya ka talaga sa nagawa mo. Siguro isa akong malaking sagabal sa trabaho mo, ano? Kaya dinispatsa mo na lang ako. Tutal naman ay ang daming babaeng nakapila para sayo.

Kahit galit ako sayo, it's not to the point na mangangarap akong bumagsak ka. So... more projects, more blessings to come, I guess. Sana masaya ka na. Sana masaya ka ng wala na ako sa buhay mo. Wala ng sagabal, walang pakielamera. God bless you! :)"

RR CEA


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
bottom of page